Lunes, Agosto 29, 2016


Ang Barong Tagalog

Pambansang Kasuotan ng Bansang Pilipinas


(Isang estudyante na nagsusuot ng Barong Tagalog)
(source: Google)

        Ang Barong Tagalog, ay isang pang pormal na kasuotan at ito rin ay ang national dress ng Pilipinas na nanggaling sa panahon ng mga Kastila na sinusuot ng mga Tagalog noon. Ngunit sa paglipas ng panahon, nakarating na ito sa kabuohan ng Pilipinas. Ito ay sinusuot sa itaas ng isang undershirt at hindi tinatuck-in.
         Sabi-sabi daw na ang mga Espanyol ay nagpwersa sa mga Tagalog na isuot ang kanialng baro dahil ang translucent na tela nito ay nagsisiguro na walang sandatang tinatago ang nagsusuot nito.
        Katulad ng ibang mga damit ng sinaunang panahon, ang estilo ng Barong Tagalog at mga accessories na sinusuot kasama nito ay nagsasabi sa antas ng taong nakasuot. Ang mga Mestizos ay sumusuot nito kasama ng katad (leather) na sapatos at bowler na sumbrero.  Ang mga Ilustrados ay nagsusuot ng Baron na gawa sa abaca na may plain na collar, nakabukas hanggang sa dibdib at may pleated na back design. Suot rin nila ang sapatos, pantalon at isang sumbrero. Ang Baro ay sinusuot sa itaas ng isang Camisa de Chino. Ang mga tao na mababa ang antas ay nagsuot ng mga may kulay na Camisa de Chino kasama ng maluwag na pantaloon at tsinelas na sinusuot pa ng iba sa ibang mga probinsya.





(Mga mag-aaral na nagsusuot ng kasuotang Pilipino)
(source: Google)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento